Saturday, January 12, 2008

Will Devaughn ibinabaling ang pagtingin kay Riza Santos

will_02 Pinatunayan ni ex-PBB housemate Will Devaughn na hanggang paglabas niya sa Bahay ni Kuya ay dala niya ang kanyang pagka-adonis ever.

Paano, sa loob pa lang ng PBB house ay mistulang kending pinag-aagawan na ng mga kababaihan si Will. Hanggang ngayon, mainit pa ring pinag-uusapan, lalo na sa presscon ng PBB Big Four, ang tungkol sa umano’y sex video niya with Palmolive Palma. Bonggacious talaga si Papa Will.

Ngayong mainit nang usapin ang tungkol sa sex video nila ng sexy star, at may ilan pang chikang lumalabas na talagang nag-karoon daw sila ng panandaliang nakaraan ni Palmolive, tinanong si Will kung kukumprontahin pa ba niya ang babae about this.

“No, I won’t anymore confront or ask her about this,” aniya.

Kumbaga, life goes on for Will. Hindi na niya problema kung ipinagkalat ni Palmolive ang anumang nakaraan nila, noh!?

Aba, bukod kay Palmolive nali-link din si Will kina Gwen Garci at Maui Taylor. Depensa agad ni Will ay hindi sila naging magkarelasyon ni Maui.

Eh, si Gwen? Well, nagdi-date lang daw sila.

Ganoon?

Sa ilang babaing nali-link kay Will, aminado ang model- turned housemate na iba ang dating ni Riza Santos.

“Iba talaga si Riza,” say pa ni Will.

Maging si Riza na nakaupo sa tabi ni Will ay hindi rin maitago ang paghanga sa binata.

Kinakantiyawan na nga silang may itinatagong relasyon, eh.

Pero agad itong pinabulaanan ni Riza.

Malinaw din nilang sinabi pareho na they are interested in knowing each other more.

Mukhang si Riza na ang makapagpapabago sa playboy image nitong si Will. In fairness, iba talaga ang kislap ng mga mata ni Will ‘pag nakatitig ito kay Riza. Bagay sila, huh?

Hindi minamasama ng dalawa kung patuloy ang pagla-loveteam sa kanila. So, go na.

0 comments:


This free blogger blog template is based on this blog, which uses a modified version of Nyoba 780 by Isnaini